Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2022

Ano ang tunay na Pangalan ng DIYOS?

  God’s true name YHWH (יהוה) Ang Pangalan ng Diyos ay kilala ng marami lalo na sa mga nag-aaral ng Banal na Kasulatan bilang יהוה(Yod Hey Vav Hey) o YHWH o tinatawag nating "Tetragrammaton." Marami sa mga tao, lalo na sa panahon natin ngayon ang tumatawag nito bilang Yahweh at sa iba naman ay Jehovah lalo na sa mga Saksi ni Jehova. Meron ding grupo na binibigkas nilang "YAHUAH" ang tetragrammaton na nakasulat sa Paleo Hebrew. Ang Paleo Hebrew ay hindi pointed text, kaya hindi ito puweding bigkasin dahil ang vowel points ay hindi nai-provide hanggang ca. AD 600. Kapag nagbasa ang mga hudyo ng Torah scrolls sa sinagoga ay binabasa nila ang YHWH bilang "Adonai" (Lord). Tinatakda kasi ng Jewish law na basahin ang "Qere" (what is read) at hindi ang "Ketiv" (what is written). Sa mga Hebrew bible ngayon na may mga transliteration ay makikita natin na ang "Adonai" ang nakalagay sa tuwing babasahin ang Tetragrammaton. Para din sa mga