Ebanghelyo ayon kay San Mateo 1:1-17
1Ito ang talaan ng mga
ninuno ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David na mula naman sa lahi ni
Abraham.
2-6aMula kay Abraham hanggang kay Haring David,
ang mga ninuno ni Jesus ay sina: Abraham, Isaac, Jacob na ama ni Juda at ng
kanyang mga kapatid, Juda, Fares at Zara na mga anak ni Juda kay Tamar, Esrom
na anak ni Fares, Aram, Aminadab, Naason, Salmon, Boaz na anak ni Salmon kay
Rahab, Obed na anak ni Boaz kay Ruth, at Jesse na ama ni Haring David.
6b-11Mula naman kay Haring David hanggang sa
naging bihag ang mga taga-Juda sa Babilonia, ang mga ninuno ni Jesus ay sina:
David, Solomon na anak ni Haring David sa dating asawa ni Urias, Rehoboam,
Abias, Asa, Jehoshafat, Joram, Ozias, Jotam, Acaz, Ezequias, Manases, Amos,
Josias, Jeconias at ang mga kapatid nito.
12-16At pagkatapos na sila'y maging bihag sa
Babilonia hanggang sa ipanganak si Jesus, ang mga ninuno niya ay sina:
Jeconias, Salatiel, Zerubabel, Abiud, Eliakim, Azor, Sadoc, Aquim, Eliud,
Eleazar, Matan, Jacob, at si Jose na asawa ni Maria. Si Maria ang ina ni
Jesus—ang tinatawag na Cristo.
17Samakatuwid, may labing-apat na salinlahi mula
kay Abraham hanggang kay David, labing-apat mula kay David hanggang sa
pagkabihag ng mga Israelita sa Babilonia at labing-apat din mula sa pagkabihag
sa Babilonia hanggang kay Cristo.
Pagninilay
Ang ebanghelyong ito ay nagpapakita sa ating lahat ng
napakagandang kasaysayan. Sapagkat pinaliwanag ditto ang salinlahi ng
Panginoong Jesus, mula kay Abrahan na ama ng lahat ng mga bansa, hanggang sa
hari ng Israel na si haring David, papunta sa pagkasilang ni Jesus na ating
panginoon at tagapagligtas.
Kung titignan natin parang wala lang ang ebanghelyong ito
tungkol sa salinlahi ng ating panginoong Jesus. Kasi ito ay puro pangalan ng
tao na nagpapalit-palit ng salinlahi. Ngunit mga kapatid kung tayo po ay
magnilay sa mabuting balitang ito, ay ating pong makikita ang kadakilaan ng
DIYOS!
Tandaan natin na ang pumili kay Abraham na maging ama ng
lahat ng bansa ay ang Panginoong Diyos, at hindi sia mismo. Pinakita ng Diyos
sa atin kung paano niya tinutupad ang kanyang pangako, na binigay niya kay
Abraham. Kahit na imposibleng magkaroon pa sila ng anak ni Sara na kanyang
asawa, upang matawag siya na ama ng lahat ng mga bansa, ay nangyari paring
nabuntis si Sara at naipanganak niya si Isaac. Si Isaac naman ay nagkaroon ng
kambal na anak na sina Esau at Jacob. Alam din natin kung paano natanggap ni
Jacob ang basbas ng kanyang amang si Isaac, yon ay dahil sa pagdaya niya sa
kanyang kapatid. Subalit, nasabi din sa biblia na bago pa lumabas si Jacob sa
sinapuponan ng kanyang ina ay nakahawak na ito sa paanan ng kanyang kapatid na
si Esau na para bang gusto niya talagang mauna. At yan nga ang nangyari.
Si Jacob naman ay pinagkalooban ng labindalawang anak na pinagmulan
ng labindalawang lipi ng Israel. Nakita rin natin kung paano sumama sa kanya
ang Panginoong Diyos, hangang sa pagtanda niya. Hangang sa napunta na sa
salinlahi ni haring David, bago pa siya napili na maging hari ng Israel ay may
nauna na sa kanya. Ngunit kahit nang mapili na siya ay hindi parin niya
kinalimutan ang kahalagahan ng pagsunod sa hari, kahit na makailang beses na
siyang gusto patayin nito.
Ito po ang mabuting balita sa ating ebanghelyo, mamuhay po
tayo ng may takot sa Diyos, pag-aralan natin ang kanyang mga salita tulad ng
ginawa ni haring David, manalig tayo sa
kanya ng buong puso at kaluluwa tulad ng ginawa ni Abraham at patuloy
tayong mamuhay ng hindi nakakalimot sa Diyos tulad ng ginawa ni Jacob.
Ang pandemiyang ito ay malalampasan natin mga kapatid,
manalig tayo sa Diyos, manatiling tapat sa kanya, pag-aaralan natin ang kanyang
mga Salita na ating mababasa sa biblia.
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
Ama, at ng Anak, At ng Espirito Santo. Amen!
Comments
Post a Comment