Skip to main content

Roman Catholic Church SEC Registration?

 hindi obligadong magpatala ang Iglesia Katolika sa Securities and Exchange Commission (SEC)?



Sagot sa mga Sekta na nagsasabing "colorum" at peke raw ang Iglesia Katolika sa Pilipinas dahil hindi ito rehistrado sa SEC.,
1. Ang Iglesia Katolika ay hindi itinatag sa Pilipinas. Mga Pilipinong samahan lang na naitatag sa Pilipinas ang obligadong magpatala sa SEC, alinsunod sa Commonwealth Act No. 83 of 1936 & RA 8799 of 2000.
2. Hindi Pilipino ang tagapagtatag ng Iglesia Katolika. Hindi Pilipino si Hesukristo kundi isang Judio. Hindi Siya sakop o napapasailalim ng mga batas ng Pilipinas at ng kahit ano pa mang bansa sa buong daigdig. Hindi Siya mula sa daigdig na ito (John 8:23; 17:16; 18:36).
3. Naitatag ang Iglesia Katolika bago pa umiral ang bansa at pamahalaang Pilipinas, bago pa itinatag ang SEC. Kung tutuusin, mga relihiyosong Kastilang Katoliko pa nga ang naging daan para magkaroon ng organisasyon at pamahalaan ang bansang Pilipinas.
4. Ang Iglesia Katolika ay hindi korporasyon o kooperatiba. Iba sa mga sektang protestante na may mga “Articles of Incorporation” at binubuo ng mga maraming Founders hindi katulad ng sekta na may 19 taong Pilipino na tagapagtatag, ang Iglesia Katolika ay hindi bumuo ng kasulatan (dokumento) na nabanggit at ipinag-uutos ng batas. Hindi ito kinailangan ni Hesukristo nang itinatag Niya ang Iglesia Katolika. Patunay na sa kanya galing ang Pananamplataya at ang relihiyong Katoliko.
5. Ang punong tanggapan ng Iglesia Katolika ay nasa Vatican City sa Roma. Ang naturang lungsod ay ang pinakamaliit na bansa sa buong mundo na may kasarinlan (sovereignty) sa bisa ng Kasunduang Lateran (Lateran Treaty) ng 1929. Bilang isang “sovereign country,” kinikilala at ginagawaran ito ng mga diplomatikong karapatan at pribilehiyo (diplomatic rights and privileges) katumbas ng parehong “diplomatic rights and privileges” ng mga bansa sa buong mundo. Ang Holy See o Santa Sede na pamahalaan ng Iglesia Katolika ang nakakasakop sa Iglesia Katolika sa Pilipinas .
6. Ang kasarinlan o sovereignty ng pamahalaan ng Iglesia Katolika ay kinikilala ng lahat ng bansa sa buong mundo batay na rin sa pamantayang itinalaga sa bisa ng mga kasunduan sa Montevideo Convention na ginanap sa bansang Uruguay noong 1933. Ginagamit ng pamahalaang Pilipinas ang mga kasunduan sa Montevideo bilang pamantayan sa pagkilala sa mga bansa at pamahalaan sa buong mundo. Yamang sovereign country ang status ng Vatican City, binibigyan ito ng pagkilala at iba pang diplomatic rights, privileges and immunities (kabilang na ang hindi pagpapatala sa mga ahensya ng pamahalaang Pilipinas at pagbabayad ng buwis). Ito rin ang dahilan kung bakit ganoon kahalaga at engrande ang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015.
At dahil nga kinikilala ang Iglesia Katolika ng lahat ng mga bansa sa buong daigdig ay binigyan ito ng “observer status” sa United Nations at may kinatawan ang Holy See o Santa Sede ng Vatican sa mga pangunahing konseho o Councils ng UN at iba pa nitong kalipunan o komite (UN Security Council, WHO, UNESCO, WTO, etc.)
7. At panghuli, hindi itinatag ang Iglesia Katolika para sa kalakal o negosyo. Hindi ito isang negosyo na gaya na lamang nang nasa (1 Timothy 6:6 ).
SINO ANG SAKOP AT NAPAPASAILALIM SA MGA BATAS NG REPUBLIKA NG PILIPINAS AT SINO ANG OBLIGADONG MAGPATALA SA SEC AT MAGBAYAD NG BUWIS?
Tulad ng nabanggit na nu'ng una, ang mga sektang protestante na itinatag sa Pilipinas ang napapasailalim ng mga batas ng Pilipinas at obligadong magpatala sa SEC, bagama’t hindi sila obligadong magbayad ng buwis (liban na lang sa mga documentary stamps at incidental charges kaugnay ng pagpapa-rehistro ng kanilang sekta).
Samantala, ang mga Catholic bookstore, religious stores, cemeteries at iba pang kalakal kung saan ay nagkakaroon ng palitan ng salapi at mga produkto at serbisyo ay obligadong magparehistro sa SEC, BIR, DTI, etc. Obligado rin ang mga ito na magbayad ng buwis. [Internal Revenue Code. Section 30 (e) as clarified by RMC 64-2016]. Obligado rin ng BIR na magbayad ng buwis ang mga empleyado ng mga nabanggit na mga tindahan at tapaghatid ng serbisyo.

Comments

Popular posts from this blog

The Mystery of the Holy Trinity

by: Br. Duane M. Cartujano  We call the Trinity a "Mystery," because it is the main shorthand way we have of talking about God himself. Jesus presents it as the core of the Church's message. Preaching must always be about God, who is the source and foundation of all that is. But we believe that Jesus has revealed to us that God is the unimaginable Being he himself called his "Father," and is Jesus himself as Son of the Father and is the Spirit who comes forth from the Father and Jesus, whom Jesus gives to each of us. The Trinity is the whole Being of God; "in Him we live, and move, and have our Being." We are like little fishes, swimming in the great ocean of God. He is too close for use to see or comprehend. Calling something in our faith a "mystery" doesn't simply mean we can't explain it, because it is above our ability to know. It also means that it is beyond us because it is a fundamental, all-embracing aspect of reality

Ano ang tunay na Pangalan ng DIYOS?

  God’s true name YHWH (יהוה) Ang Pangalan ng Diyos ay kilala ng marami lalo na sa mga nag-aaral ng Banal na Kasulatan bilang יהוה(Yod Hey Vav Hey) o YHWH o tinatawag nating "Tetragrammaton." Marami sa mga tao, lalo na sa panahon natin ngayon ang tumatawag nito bilang Yahweh at sa iba naman ay Jehovah lalo na sa mga Saksi ni Jehova. Meron ding grupo na binibigkas nilang "YAHUAH" ang tetragrammaton na nakasulat sa Paleo Hebrew. Ang Paleo Hebrew ay hindi pointed text, kaya hindi ito puweding bigkasin dahil ang vowel points ay hindi nai-provide hanggang ca. AD 600. Kapag nagbasa ang mga hudyo ng Torah scrolls sa sinagoga ay binabasa nila ang YHWH bilang "Adonai" (Lord). Tinatakda kasi ng Jewish law na basahin ang "Qere" (what is read) at hindi ang "Ketiv" (what is written). Sa mga Hebrew bible ngayon na may mga transliteration ay makikita natin na ang "Adonai" ang nakalagay sa tuwing babasahin ang Tetragrammaton. Para din sa mga