Ito ang katanongan
1.Ang Diyos po ba may Ina?
2.Sinong Diyos ang may Ina?
3. Ilan ang Diyos natin lahat? At Sino?
4.Kung ang Diyos ay si Cristo ,Ano naman ang Ama ?(3)
Ating isa-isahin ang pagsagot sa mga katanongan.
Unang tanong
1.Ang Diyos po ba may Ina?
Sagot sa unang Tanong:
Isang napakaliwanag na pahayag ni San Pablo Apostol na si Cristo ay Diyos na mapagpakumbaba, dahil kahit siya ay tunay na Diyos hindi siya nakipantay sa Diyos
At ito’y pinatunayan pa sa sulat sa mga Hebreo
Malinaw po na bago nagkatawang tao si Cristo ay kasama na siya ng Diyos
Si Cristo ang Diyos na nagkatawang tao na ating mababasa sa Ebanghelyo ni San Juan
1Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. 3Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha
Juan 1:1-3
Ang Salita ay Diyos, at nagkatawang tao
At siya ay pinaglihi at isinilang ng isang Berhen na ang pangalan ay Maria
Pangalawang Tanong
2.Sinong Diyos ang may Ina?
Sagot sa pangalawang Tanong:
Si Cristo na nagkatawang tao ang Diyos na may Ina
Si Cristo na nagkatawang tao ang Diyos na may Ina
Pangatlong Tanong
3.Ilan ang Diyos natin lahat? At Sino?
3.Ilan ang Diyos natin lahat? At Sino?
Sagot sa pangatlong Tanong:
Ang Diyos ay iisa lang, at hindi Jehovah ang pangalan
Ang pangalan ng Diyos ay; AMA, ANAK, at ESPIRITU SANTO
Sabi ng panginoong Jesus ay bautismuhan ang lahat ng Tao sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo
Ang Ama ay Diyos – Juan 8:54
Ang Anak ay Diyos – Juan 1:1-3..14
Ang Espiritu Santo ay Diyos – Juan 4:24
Malinaw po ang sabi ng Panginoong Jesus na bautismuhan sa pangalan ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo
Napakalinaw po mga kapatid na babautismuhan sa pangalan at hindi sa mga pangalan
Kayat ang Diyos ay iisa at ang kanyang pangalan ay; ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo
Pang-apat na tanong
4.Kung ang Diyos ay si Cristo, Ano naman ang Ama ?(3)
Sagot sa pang-apat na Tanong:
Ang Ama ay, ang Diyos Ama
Mula kay Pablo na hinirang na apostol, hindi ng tao o sa pamamagitan ng tao, kundi ni Jesu-Cristo at ng Diyos Ama na muling bumuhay kay Jesus
Galacia 1:1
Papuri sa Diyos!
Comments
Post a Comment