Ito ang pinagtatalunan ng mga Katoliko at hindi katoliko, maging ang mga katoliko ay nagtatanong narin kung totoo nga ba na December 25 nga ba ang kapanganakan ng Panginoong Jesus?
Ang celebrasyon ng
pasko o kapanganakan ng panginoong Jesus ay sinisiraan ng marami na ito daw ay “pagan
celebration”, ano nga ba ang katotohaan tungkol sa pasko o kapanganakan
n gating panginoong Jesus?
Ito po ang simpling
pagpapaliwanag tungkol sa pasko o kapanganakan ng atin panginoong Jesus.
Gagamit tayo ng “Hebrew Calendar”, upang ating matukoy
ang katotohaan tungkol sa pasko o kapanganakan ng ating panginoong Jesus.
Babasi din tayo sa nakasulat sa biblia upang
matukoy ang katotohanan tungkol sa kapanganakan ng atin panginoong Jesus.
Ganito po natin ito
ipapaliwanag mga kapatid: Kailangan po natin munang malaman ang gap ng edad ni Juan Bautista sa ating
panginoong Jesus.
Noong kapanahonan ng ama ni Juan Bautista na si
Zacarias, siya ang naatasan sa tinatawag nilang “YOM KIPPUR”, o “Day of atonement”. Ito
ay isang beses lang sa isang taon nangyayari. At ito ay nagaganap tuwing ikasampung araw <10th day>
ng ikapitong buwan <7th month>
sa Calendaryo ng Hebreo. Ito ay mababasa natin sa Levitico 16:29-34.
Ito po ang Hebrew Calendar:
Nasa buan po ng Tishrei ang Year of Atonement, at ito po ay nasa
Pagitan ng September 15 at October 15 sa "Gregorian
calendar". Mag-umpisa tayo sa pagbilang sa september 15 plus
<+> sampung araw <10 days> at ito ay September 25 sa Gregorian
Calendar. September 25 din po nagpakita ang Anghel na si Gabriel kay Zacarias,
dahil siya ang nasaturno sa year of atonement, na mababasa natin sa Lucas
1:5-25.
Ang gap po ni Juan Bautista sa panginoong Jesus ay anim na buwan na
mababasa naman natin sa Lucas 1:26-38. Kaya kung tayo po ay magbibilang ng anim
na buwan, ito po ay March 25 sa Gregorian calendar. At march 25 din po
pinaglihi ni Mama Mary ang ating panginoong Jesus. Kaya kung bibilang naman po
tayo ng siyam na buwan upang maipanganak ang isang sanggol ay atin naman pong
malalaman na ito ay “December 25”, kaya mayroon na po tayong basihan sa
biblia na December 25 nga ipinanganak ang ating panginoong Jesus.
Malinaw na po sa
ating lahat na totoo ngang December 25 isinilang ang ating Panginoong Jesus ng
Inang Birhen.
Sa Diyos ang lahat
ng kapurihan magpakailanman!
Comments
Post a Comment