Skip to main content

Posts

Showing posts from 2022

Roman Catholic Church SEC Registration?

  hindi obligadong magpatala ang Iglesia Katolika sa Securities and Exchange Commission (SEC)? Sagot sa mga Sekta na nagsasabing "colorum" at peke raw ang Iglesia Katolika sa Pilipinas dahil hindi ito rehistrado sa SEC., 1. Ang Iglesia Katolika ay hindi itinatag sa Pilipinas. Mga Pilipinong samahan lang na naitatag sa Pilipinas ang obligadong magpatala sa SEC, alinsunod sa Commonwealth Act No. 83 of 1936 & RA 8799 of 2000. 2. Hindi Pilipino ang tagapagtatag ng Iglesia Katolika. Hindi Pilipino si Hesukristo kundi isang Judio. Hindi Siya sakop o napapasailalim ng mga batas ng Pilipinas at ng kahit ano pa mang bansa sa buong daigdig. Hindi Siya mula sa daigdig na ito (John 8:23; 17:16; 18:36). 3. Naitatag ang Iglesia Katolika bago pa umiral ang bansa at pamahalaang Pilipinas, bago pa itinatag ang SEC. Kung tutuusin, mga relihiyosong Kastilang Katoliko pa nga ang naging daan para magkaroon ng organisasyon at pamahalaan ang bansang Pilipinas. 4. Ang Iglesia Katolika ay hindi k...

Ano ang tunay na Pangalan ng DIYOS?

  God’s true name YHWH (יהוה) Ang Pangalan ng Diyos ay kilala ng marami lalo na sa mga nag-aaral ng Banal na Kasulatan bilang יהוה(Yod Hey Vav Hey) o YHWH o tinatawag nating "Tetragrammaton." Marami sa mga tao, lalo na sa panahon natin ngayon ang tumatawag nito bilang Yahweh at sa iba naman ay Jehovah lalo na sa mga Saksi ni Jehova. Meron ding grupo na binibigkas nilang "YAHUAH" ang tetragrammaton na nakasulat sa Paleo Hebrew. Ang Paleo Hebrew ay hindi pointed text, kaya hindi ito puweding bigkasin dahil ang vowel points ay hindi nai-provide hanggang ca. AD 600. Kapag nagbasa ang mga hudyo ng Torah scrolls sa sinagoga ay binabasa nila ang YHWH bilang "Adonai" (Lord). Tinatakda kasi ng Jewish law na basahin ang "Qere" (what is read) at hindi ang "Ketiv" (what is written). Sa mga Hebrew bible ngayon na may mga transliteration ay makikita natin na ang "Adonai" ang nakalagay sa tuwing babasahin ang Tetragrammaton. Para din sa mga ...