Skip to main content

TAMA BA ANG UNAWA NG MGA TAONG GUMAGAMIT NG MGA LARAWANG WINASAK SA INDIA AT IKAPIT ITO SA TURO NG CATHOLIC CHURCH?

 

by: BR. duane M. Cartujano


Sa pangyayaring ito ay makikita natin na hindi na natuto ang mga umaatake sa Catholic Church. Ito ang mahirap sa mga "Bible Alone" at hindi nag-aral ng Kultura at Kasaysayan ng bawat relihiyon.
Una, bago sana magkomento ang mga umaatake sa Catholic Church, alamin muna ang kaibahan ng mga Imahen sa Hinduismo, at ng mga Ibahen sa Catholic Church.
Sinasamba ba sa Relihiyong Hinduismo ang mga Imahen?
Ang sagot ay maliwanag na "OO."
“Hindu worship, or puja, involves images (murtis), prayers (mantras) and diagrams of the universe (yantras). CENTRAL TO HINDU WORSHIP IS THE IMAGE, OR ICON, WHICH CAN BE WORSHIPPED EITHER AT HOME OR IN THE TEMPLE.” https://www.bbc.co.uk/.../hinduism/worship/worship.shtml)
Itinuturo ba ng Catholic Church na sambahin ang mga Imahen?
Ang sagot ay hindi!
"The honor paid to sacred images is a "respectful veneration," not the adoration due to God alone"(Catechism of the Catholic Church 2132).
Dito palang ay may pagkakaiba na!
Ito ngayon ang mga ilang katanungan para sa mga umaatake sa atin:
1. Sa mga larawan sa India ay makikita ninyo ang imahen ni Hare Krishna na tinatawag nilang "Supreme God." Ang tanong may larawan bang ganyan sa Catholic Church?
2. Ang sabi ng isang anti-Katoliko sa kanyang Komento. Dapat daw ay ganyan din ang gawin ng mga Katoliko sa kanilang mga imahen. Dapat daw wasakin. NARITO ANG ILANG MGA TANONG:
* Sa mga miyembro ng Iglesia ni Cristo: Payag din ba kayo na wasakin ang rebulto ni Felix Manalo?
* Sa mga Born Again pastors, bakit hindi ninyo sinaway si Pacquiao sa pagkakaroon niya ng Rebulto?
Kapag sinabi ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo at ng mga Born Again na "HINDI NAMAN NAMIN SINASAMBA IYAN E." Ang tanong, bakit kung kayo ang magpagawa ng mga rebulto ay hindi masama, pero kapag ang Catholic Church ang nagpagawa ay automatically sumasamba na kaagad sa rebulto?
Pangalawa, sa Hinduismo, kinikilala nilang dios ang kanilang mga imahen. Ito ay kanilang dinadasalan at kinikilalang mga dios.
Ang mga tanong natin sa mga umaatake:
* Sinong matinong Katoliko na nakaharap sa isang Semento at isang semento na nagsasabi "Ikaw ay dios ko"?
* Maraming imahen sa loob ng bahay noon ang nasunog, na ang may-ari ay mga Katoliko. SINABI BA NG MGA KATOLIKONG ITO NA "AY ANG DIOS KO AY NASUSUNOG?
Sa dalawang tanong na iyan, kung naniniwala ang mga umaatake sa atin na dios natin ang mga imahen, hinahamon natin sila na magpakita ng "actual video" na tinatawag ng mga matitino at tunay na mga katoliko na "DIYOS" ang mga imahen.
Pangatlo, bago umatake ang mga anti-Katoliko sa atin, mas mabuting magresearch at pag-aralan muna nila ng mabuti ang Biblia.
* Ang problema kasi sa mga Anti-Katoliko, kapag nakakita sila ng mga Imahen ay Katoliko na kaagad ang kanilang inaatake. Hindi man lang nila inaalam na pati ang Hinduism at Lutheran Church ay may mga imahen din. Katulad na ng ginagawa nila madalas, kapag nakakita sila ng mga taong nakasutana na gumagawa ng mali ay PARI na kaagad ng Catholic Church ang kanilang sinisisi. Hindi man lang nila inalam na ang mga pari ng Aglipayan Church at Presbyterian Church ay nagsusuot din ng sutana.
* Bago magbigay ng interpretasyon, pag-aralan muna ang Kultura at Orihinal na teksto ng Biblia. Ito ang kaibahan kung bakit ang Catholic Church ay merong "Magisterium" at hindi "Scripture Alone." Malaki ang kaibahan ng taong nag-aral ng Orihinal na teksto ng Biblia at ng Kultura, kaysa sa taong nagbasa lang ng Biblia at hindi alam ang kultura at ang Orihinal na tekso nito.
Dalawa sa mga talata ng Biblia na madalas ginagamit ng mga Anti-Katoliko para atakehin tayo ay ang Exodo 20:4 at ang Juan 2:4.
* Exodo 20:4 - Kapag nabasa ng mga Anti-Katoliko ang "graven image" bigay agad sila ng konklusyon na masama ang LAHAT NG IMAHEN.
* Juan 2:4 - Dahil nabasa nila na tinatawag ni Jesus na "Babae" ang kanyang Ina ay hindi na nirespeto ni Jesus si Mother Mary.
Ang Exodo 20:4 ay naisulat sa wikang Hebreo, at ang Juan 2:4 ay naisulat sa wikang Griyego, HINDI DAPAT INUUNAWA ITO NG MGA TAGA DITO SA PILIPINAS AYON SA PAG-UNAWA NG ISANG PINOY.
Halimbawa:
Kung ikaw ay taga Capiz ay hindi mo dapat binibigyan ng maling pakahulugan ang sinasabi ng isang Cebuano. Dito sa capiz kapag narinig sinabing "Sabot" ito ay "PUBIC HAIR." Pero sa Cebu ay nagsasalita din sila ng "Sabot" na ang ibig ay "comprehend." Kung gusto mong malaman ang katotohanan, mag-aral ka munang magbisaya o di kaya ay magpaturo ka isang cebuano. Hindi pwedeng sabihin mo na bastos ang mga taga cebu dahil narinig mo sila na nagsalita ng "Sabot."
Ganun din, hindi mo pwedeng sabihin na ang lahat ng "Imahen" ay kinokontra na ng Dios sa Exodo 20:4 kung hindi mo alam ang hebrew word na "Pesel." Isa ring malaking pagkakamali na sabihin mo na hindi nirespeto ni Jesus ang kanyang Ina sa Juan 2:4 kung hindi mo alam ang malawak na kahulugan ng Greek word na "Gunai."

Comments

Popular posts from this blog

The Mystery of the Holy Trinity

by: Br. Duane M. Cartujano  We call the Trinity a "Mystery," because it is the main shorthand way we have of talking about God himself. Jesus presents it as the core of the Church's message. Preaching must always be about God, who is the source and foundation of all that is. But we believe that Jesus has revealed to us that God is the unimaginable Being he himself called his "Father," and is Jesus himself as Son of the Father and is the Spirit who comes forth from the Father and Jesus, whom Jesus gives to each of us. The Trinity is the whole Being of God; "in Him we live, and move, and have our Being." We are like little fishes, swimming in the great ocean of God. He is too close for use to see or comprehend. Calling something in our faith a "mystery" doesn't simply mean we can't explain it, because it is above our ability to know. It also means that it is beyond us because it is a fundamental, all-embracing aspect of reality...

Sign of the Cross

    Ano ang mga rason kung bakit tayo nag-aantanda o sign of the cross? 1.       .  Ang pag sign of the cross ay pagkakilanlan natin bilang mga disipulo ni Cristo <Mateo 28:19> 2.     .    Naniniwala tayo na ito ay makapangyarihan <1corinto1:18> 3.         Sinusunod natin si San Pablo Apostol na nag mamamalaki sa Krus ni Cristo <Galacia 6:14> 4.         Ginagawa natin ang sign of the Cross para bigyan ng kaluwalhatian ang Diyos <1Cotrinto10:31> Tanong : Mababasa ba sa bible ang “Sign of the cross”? Sagot     : Kung ang pagbabasa po ng bible ay hindi naka batay lang sa translation ay makikita po natin ang katotohanan na may “sign of the Cross” sa bible.  Ito po ang pahayag sa Ezekiel 9:4  And the Lord said to him: Go through the midst of the city, through the midst of Jerusalem, and mark Thau upon the foreheads of the men that...

The Holy Rosary (part 1)

by: ARMOR of the FDM To GOD be the Glory!